Isang grupo ng mga Muslim ang nagpahayag ng kanilang suporta para kay Robredo na noo’y pawang mga taga suporta ni Mayor Isko Moreno.
Inanunsiyo ni Sheik Mahir Gustaham, chairman ng United Imams of the Philippines in the Zambasulta (Zamboanga City, Basilan, Sulu and Tawi-Tawi) chapter, ang kanilang paglipat sa partido ni Vice President Robredo sa isang press conference noong Lunes,Abril 18 sa lalawigan ng Zamboanga del sur.
Ilan sa mga dahilan ng kanilang paglipat ay ang magagandang programa ni Robredo sa kanilang kapakanan tulad ng human rights,anti-discrimination at Bangsamoro peace process.
“We are formerly supporting the candidacy of Moreno, but after assessing the recent trends from different research companies and after getting the pulse of our constituents, we believe that Moreno could no longer compete with Robredo,” ayon kay Gustaham.
“We believe that it’s high time we make one historic selfless act by rallying behind Robredo,” dagdag pa nito.
Si Gustaham ay isa sa mga sundalo ng Moro National Liberation Front at biktima ng rehimeng Marcos.