fbpx

Comelec:Town hall debate magiging isang panel interview na lang 

Sa halip na isang town hall debate, magiging isang panel interview na lamang ang isasagawa ng Commission on Elections para sa mga kandidato sa pagka-pangulo at pagka-bise presidente.

Ayon kay Commissioner George Garcia, tatawagin itong Comelec-KBP PiliPinas Forum 2022 sa halip na Townhall,

“The Commission on Elections, in partnership with the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), has announced that the concluding event of the PiliPinas Debates 2022 Series will no longer be Vice-Presidential and Presidential Town Hall Debates.”

Lahat ng kandidato ay may tig-isa-isang oras sa panel interview,naka-rekord at ipalalabas mula May 2 hanggang May 6.

May opsyon ang kandidato kung face-to-face ang interview o virtually.

Samantalang nasa Comelec naman ang desisyon kaugnay ng mga dapat i-edit sa video.

Tinukoy din ni Garcia na hindi lahat ng kandidato ay makalalahok sa gagawing forum.

Ang town hall debate ay na-reschedule bunsod ng ‘di pagkakaunawaan ng Impact Hub Manila, partner ng Comelec debates at ng pamunuan ng Sofitel Philippine Plaza Manila, ang dapat ay venue ng event.

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH