fbpx
Philippines Gold Medal

‘WORLD RECORD WIN, LABAN PILIPINAS!’

Nakuha ng Pinoy Pole Vaulter na si Ernest John Obiena ang unang Gold medal ng bansang Pilipinas nitong Oktubre 01, 2023.


Nagpahayag ng pasasalamat ang Pinoy Pole Vaulter sa kaniyang Facebook account para sa lahat ng sumuporta mula umpisa hanggang sa makuha ang unang gintong medalya ng bansa.


Bukod sa nakuhang medalya, nag-set rin si Obiena ng panibagong ‘Record Breaking Leap’ matapos makapagtala ng 5.90m jump at lagpasan ang Asian Games Record na 5.70m jump.


Kasalukuyang rank 2 sa buong mundo si EJ Obiena, at irerepresenta ulit nito ang bansa para sa 2024 Olympics na gaganapin sa Paris, France.


Photo Courtesy: EJ Obiena

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH