fbpx

Ka Leody: Halo Halo sa Cotobato, mura at ‘di ‘singmahal ng sa Peninsula

Habang abala ang ilang kandidato sa pagka-pangulo sa isang press conference noong Easter Sunday, matiwasay namang nagbiro si Ka Leody De Guzman sa kanyang social media post.

Sa isang post sa twitter, ipinakita ni Ka Leody na mapayapa siyang kumakain ng Halo Halo sa lalawigan ng Cotabato habang pabirong tinukoy ang nagyayaring kaganapan sa presscon sa isang 5-star hotel sa Makati.

“Masarap ang halo halo dito sa South Cotabato pero di singmahal nung halohalo sa Manila Pen. Ano bang kaguluhan dun ngayon?,” pahayag ni Ka Leody sa twitter post.

Nakipagtipon si Ka Leody sa mga pinuno ng tribong T’Boli.Dito tinalakay ng dalawang panig ang mga problemang kinahaharap ng tribo lalo na ang usapin sa pagmimina at malalaking kumpanya sa likod nito.

Ang presscon ay dinaluhan ng tatlo sa tumatakbo sa pagka-pangulo, sina Mayor Isko Moreno, senator Panfilo Lacson at dating DILG secretary Norberto Gonzales.

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH