fbpx

Dating kargador, topnotcher ngayon sa board exam

“Hindi hadlang ang katayuan sa buhay sa pagtupad ng pangarap”, iyan ang pinatunayan ng 24 anyos na working student mula sa University of Cebu na nag-top 2 sa Mechanical Engineering board exams.

Ang binata ay kinilala bilang si Mark Allen Gabutero Armenon na isa ring kargador sa palengke.

Sa hirap ng buhay kinailangan ni Mark na mamasukan ng trabaho habang nag-aaral.Minsan pang inakala niyang hindi na siya makaka-graduate dahil sa madalas na pagliban sa klase at mababang marka noong elementarya at highschool.

Si Mark ay pang-apat sa magkakapatid at ang kanyang ina ay nagbebenta ng uling sa Carbon market at naglilitson naman ang kanyang ama.

Inamin ni Mark na ang naging inspirasyon niya upang pagbutihin ang board exam ay ang cash prize na nakalaan sa UC topnotchers ngunit ang pangunahing inspirasyon ay ang kanyang mga magulang.

Si Mark ay nagtamo ng score na 95.60 habang ang top 1 ay may score na 96.70.

Samantalang nagkamit ng ikalawa sa pinakamataas na score sa board, dismayado pa rin ito sapagkat siya ay naghahangad ng 1st place.

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH