fbpx

Isko Moreno pinagbibitiw si Robredo sa kandidatura

Nagpatawag ng press conference ang tatlo sa tumatakbo sa pagka-pangulo; Mayor Isko Moreno, senator Panfilo Lacson at dating DILG secretary Norberto Gonzales sa isang 5-star hotel sa makati noong Easter Sunday, Abril 17.

Ang layunin ng press conference ay ipakita ang matibay na paninindigan ng tatlo sa kabila ng mga panawagan na mag-withdraw ang mga ito at suportahan ang katunggaling si Vice President Leni Robredo.

Ngunit tila nag-iba ang ihip ng hangin nang hamunin ni Moreno si Robredo na sa halip na sila ang magbitiw ay mas nararapat na ito ang mag-withdraw.Sinabi iyon ni Moreno sa paniniwalang nagmula mismo kay Robredo ang panawagan.

“If they’re calling for supreme sacrifice, di ba the yellow pink is calling for supreme sacrifice katulad nung sinasabi ni Sec. Norberto Gonzales, when somebody talked to him. Eh di ang pinaka (the most) supreme sacrifice if you’re not a good player to win then you pay the supreme sacrifice you withdraw. Withdraw, be a hero,” paratang ng mayor.

Sinabi din ni Moreno na dahil sa hindi magawa ni Robredo na kumbinsihin ang tatlo na umatras ay sinusubukan nitonng hikayatin ang kanilang mga tagasuporta,

“Pero teka muna, sobra naman ang pambabastos sa amin, binibili yung mga tao ni Sen. Ping, binibili mga tao namin, hinuhubaran kami. Asan ba dun yung sinasabi na disente kayo? Parang kayo lang ang mapupunta sa langit.”

Kalaunan binigyang linaw naman ni senator Ping Lacson at ka-tanadem na si senate president Tito Sotto na wala silang pinagwi-withdraw sa kampanya at wala din mismong dapat mag-withdraw

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH