Nagpakita ng suporta si World Athletics (WA) chief Sebastian Coe sa liderato ng Philippine Athletics Track and Field Association sa pamamagitan ng pagkilala sa pamumuno ng presidente nitong si Phillp Ella “Popoy” Juico.
Sa isang pormal na sulatin nilabas noong Feb. 10, sinabi ni Coe na ang anumang isyu sa pagitan ng PATAFA at ni Obiena ay isang “internal matter” na maaaring malutas sa pamamagitan ng mga panuntunan at patakarang ng ahensya.
“We encourage all internal disputes of a Member Federation to be resolved in accordance with stated processes and procedures for resolving disputes in a Member Federation’s Constitution or applicable relevant Rules and Regulations and that these are run fairly for all concerned,” ani Coe.
Pinatunayan din ni Coe ang malinis na track record ni Juico bilang isang katiwa-tiwalang sports official base sa karanasan nito bilang isang miyembro ng World Athletics Governance & Integrity Reform Working Group and Values Commission.
Dagdag pa ni Coe, ang track record ni Juico ang magpapatunay na kaya niyang pamunuan ang ahensya nang naayon sa mga prinsipyo ng WA.
Si Juico ang napiling maging kinatawan ng PATAFA para sa general assembly nito noong para maging voting delegate ng bansa sa World Athletics Congress noong Nov. 2021.
“I trust this letter clarifies our position with regard to PATAFA,” ani Coe.
Inudyok rin niya ang publiko na bisitahin ang website ng WA para alamin kung paano nagampanan ng PATAFA ang mga obligasyon nito noong nakaraang taong 2021.
Si Coe ay nasa kanyang ikalawang termino ng pamumuno na sa WA, ang namamahala sa lahat ng mga track and field event na ginaganap sa Olympics. Siya rin ang punong-abala sa 2012 London Olympics Organizing Committee.
Pinasalamatan naman ni PATAFA debuty chairman at Cagayan de Oro City representative Rufus Rodriguez si Coe sa pagsisigurong ang mga adhikain ng PATAFA ay alinsunod sa mga prinsipyo ng WA.
“We thank Lord Sebastian Coe who was once a Member of the British Parliament, for his succinct grasp of the issues and his very clear response regarding the work of PATAFA in upholding the values of World Athletics,” ani Rodriguez.
Samantala, ayon naman kay Felix Tiukinhoy, Jr., senior member ng PATAFA Board of Trustees, sapat na ang pahayag ni Coe para bigyan ng wakas ang anumang isyu na humamon sa integridad ng PATAFA.
“This statement should put a stop to overreaching and serve as an inspiration to other NSAs [national sports associations] who look with concern at the actuations of sports leaders,” ani Tiukinhoy.