MANILA — Tumangging magkomento ang kandidato sa pagkapangulo na si Senador Ping Lacson sa desisyon ng Comission on Election (Comelec) na nagbabasura sa mga kaso ng disqualification laban kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at sinabing balak niyang mangampanya batay sa kanyang sariling merito
Sa panayam sa mga mamamahayag sa Panabo City, Davao del Norte, sinabi ni Lacson, “No comment kami kasi ang sabi ko nga kanina, ang aming pagtakbo sa aming kampanya we will rise on our own merits, presenting our platforms, our programs, our plans.”
“Iyong iba nga, alam mo, maraming bolahan ngayon, maraming kwentuhan. Kami sinasabi namin, nagawa na namin, ginagawa pa rin namin hanggang ngayon.”
Sinabi ni Lacson na hindi rin siya nababahala sa mga pinakabagong resulta ng survey na nagpapakita na siya ay nasa ikalima sa mga kandidato sa pagkapangulo.