fbpx

VP Leni at Sara Duterte, Parehong Nasa Naga City Ngayon. Mga Staff, Tikom ang Bibig.

Tila may nabubuong sikretong alliance?

Nagsimula ang bulung-bulungang ito sa mga exclusive political circles matapos sumingaw na ilang araw matapos magdeklara si Mayor Sara na sya ay tatakbong Bise Pangulo ay may mga trusted emissaries na lumapit sa kampo ni VP Leni Robredo at nais makipag-usap.

Hindi nakumpirma kung natuloy ang nasabing meeting. Ang sinabi lang ng source ay nais sana pagusapan ang posibleng alyansa mula sa dalawang pinaka impluwensiyal na babae sa Pilipinas ngayon.

Muli na namang umingay ang nasabing posibleng alyansa nang makumpirma ng Bulatlat na parehong nasa Naga City ngayon si Vice President Leni Robredo at Mayor Sara Duterte. Dumating si VP Leni kagabi at si Mayor Sara naman ay dumating ngayong umaga.

Nang tanungin ang mga staff sa bawat kampo kung may magaganap bang pagkikita ang dalawa, tikom ang lahat ng bibig.

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH