fbpx

Villar says Ilocos got more than 6,000 Infra Projects in the Last 5 Years

MANILA, Philippines — Sinabi ni dating Public Works Secretary Mark Villar na ang Rehiyon ng Ilocos ay nakaranas ng makabuluhang pag-unlad sa usapin ng mga proyektong pang-imprastraktura sa nakalipas na limang taon.

Tiniyak niya na ang pag-unlad ay hindi titigil doon kahit na siya ay pumipili ng puwesto sa Senado sa darating na botohan sa Mayo.

“Patuloy naming susuportahan ang mga pangunahing imprastraktura sa Ilocos. Kami po ay nananatiling tapat sa aming pangako na mapaginhawa ang buhay ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga proyektong ito,” ayon  kay Villar.

Sa ngayon, natapos na ng Department of Public Works and Highwayws ang 6,071 infrastructure projects sa Ilocos Region sa loob ng limang taon. Ang mga proyektong ito ay nakakatulong sa pagpapagaan ng buhay ng mga lokal at nagpapasigla sa pag-unlad sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.

“Masaya po akong makita na gumiginhawa ang buhay ng ating mga kababayang Ilocano, nakakataba ng puso na makita ang ganda ng Ilocos region,” aniya.

“Akin pong ipagpapatuloy ang magandang nasimulan ng Build Build Build Program upang makapagbigay ng kabuhayan para sa mga manggagawang Pilipino,” dagdag pa nito.

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH