MANILA, Philippines – Bumaha ng kulay rosas sa Makati City dahil sa pagtitipon-tipon ng mga taga-suporta ni bise president Leni Robredo para sa kanyang kampanya sa pagkapangulo sa darating na halalan 2022. Nagsimula ang “Unity Walk with Leni” sa Makati Avenue at nagtapos sa Makati Park and Garden.
Nagpahayag pa ng kanilang suporta ang grupong Makati for Leni 2022 sa isang Facebook post at sinabing “Kami ay naniniwala na ang labang ito ay mapagtatagumpayan kasama ang aming kandidato sa pagka-Pangulo, Leni Robredo, upang matiyak na ang pamilya ng mga magnanakaw, mapang-abuso sa kapangyarihan at taksil sa tungkulin sa bayan ay hindi na muling makakabalik sa pwesto.”
Read more:https://newsinfo.inquirer.net/1521913/unity-walk-with-leni-launched-in-makati?utm_medium=Social&utm_source=Facebook#Echobox=1638288629