ANILA – Nangako ang UniTeam tandem ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na pondohan at ipagpatuloy ang scholarship program ng Commission on Higher Education.
Sa statement na ipinost ng youth arm ng Partido Federal ng Pilipinas, sinabi ng Kabataang Federal, Marcos at Duterte na dapat unahin ang pamumuhunan sa edukasyon para sa kabataan.
Sinuspinde ng CHED ang scholarship program nito para sa mga incoming first-year students ng academic year (AY) 2022-2023 dahil sa kakulangan ng budget sa [Fiscal Year] 2022 budget ng CHED para sa Student Financial Assistance Programs.
“We need to invest more in the education of our youth, not less. Instead of them being the first in line to sacrifice in these budget cuts, let us make sure that we have adequate funding to sustain their studies because from their midst will come our future experts and leaders,” sabi ng UniTeam.
May P31.68 bilyon ang inilaan sa CHED sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act. Mas mababa ito sa mahigit P50 bilyon na natanggap nito noong nakaraang taon at humigit-kumulang kalahati ng P62 bilyon na una nitong hiniling sa kongreso.
Iba pang mga kandidato sa pagkapangulo, tulad ni Ka Leody De Guzman. kinuwestyon na ng gobyerno ang pagsuspinde ng CHED scholarship program.
“Nakapagtatakang mas pinili pa ng mga mambabatas na dagdagan ang budget ng NTF ELCAC at panatilihin ang discretionary funds ng Office of the President kaysa ilaan sa ayuda at mga serbisyong panlipunan,” ayon kay De Guzman.