Inilunsad ng Turkish Airlines ang una nitong reciprocal flight mula Istanbul papuntang Manila at pagkatapos ay Cebu noong Ene. 4, 2021.
Dumating ang unang flight nito sa Cebu alas-6:52 ng umaga, inihayag ng GMR-Megawide Cebu Airport Corporation (GMCAC).
Ang Turkish Airlines ay lumilipad sa 13 iba’t ibang destinasyon sa Pilipinas: Bacalod, Cagayan de Oro, Caticlan, Cebu, Cotabato, Davao, Dipolog, Iloilo, Kalibo, Manila, Puerto Princesa, Roxas at Tagbilaran.
Ang mga direktang flight mula sa Istanbul Airport (IST) papuntang Ninoy Aquino International Airport (MNL) ay tumatagal ng labing-isa hanggang labindalawang oras.
Ang mga flight ng Turkish Airlines patungo sa maliliit na isla sa archipelago ay pinapatakbo bilang pag-uugnay sa Maynila.
Ang GMCAC, ang joint venture sa pagitan ng Megawide at ng higanteng imprastraktura ng India na GMR Group, na nagpapatakbo ng Mactan Cebu International Airport ay nagpahayag na “nagpapasalamat at masaya” na tanggapin ang Turkish Airlines sa Cebu.