fbpx

Tolentino Nagpakalat ng Fake News. Gusto Pahabain ang Away nila Obiena at PATAFA.

Usap-usapan ngayon ang hindi umano pagsali kay EJ Obiena sa opisyal na listahan ng mga kalahok sa 31st Southeast Asian Games(Sea Games) na gaganapin sa Vietnam.Kinumpirma ito ni POC president Bambol Tolentino sa isang pahayag nitong martes.

POC declares PATAFA chief persona non grata amid Obiena rift

Wala sa listahan na isinumite ng NSA o National Sports Association si EJ Obiena kaya’t nagpakita ng labis na nadismaya si Tolentino. “I can only shake my head, this is horrible,” reaksiyon ni Tolentino sa insidente.

Ngunit kung titingnan mabuti, ang inilabas na listahan ng PATAFA ay ang tentative list o listahan na hindi pa final.

Ang rason ay dahil nasa kalagitnaan pa ng mediation proceedings ang PATAFA at si Obiena na inirekomenda ng Senado. Kaya naman hindi pa sila pwedeng gumawa ng kahit anong hakbang na posibleng makakaapekto sa mediation process.

Kaya naman tentative list pa lang ang inilabas ng PATAFA at sa March 12 pa gagawing pinal dahil inaasahan na matatapos at magkakaroon na ng resolusyon ang mediation.

POC vows to bring EJ Obiena to SEA Games, Asiad | Philippine News Agency

Inaalam pa ang paliwanag ni Tolentino kaugnay sa pagpapakalat nya ng fake news.

Makikita umanong lubos na pinagsisira ni Tolentino ang atleta at ang PATAFA. Hindi umano ito ang unang beses na naglabas ng maling mga pahayag si Tolentino gayong alam nito na nasailalim pa ng mediation process ang dalawang panig. Kapansin-pansin rin umano ang lubos na pang a-atake at paninira ni Tolentino laban kay Juico.

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH