fbpx

Robredo: Flak over ‘Street Fighter’ Meme a ‘Small Price to Pay’ to bring ‘Joy’ among Supporters

MANILA — Sinabi ni Vice President Leni Robredo na ang bashing na natanggap niya nang i-channel niya ang “Street Fighter” sa mga internet meme ay isang “small price to pay” sa pagbibigay ng saya sa mga volunteers ng kanyang presidential campaign.

May be an image of 3 people, people standing and indoor

Ibinunyag ni Robredo na hiniling ng isang tagasuporta na kunan siya ng Tiktok clip na nagpakita sa kanya gamit ang hadouken attack ng gaming series laban sa mga magnanakaw.

“When I did it, alam ko na may mga hindi matutuwa. Pero sa ‘kin, small price to pay siya, small price to pay siya doon sa joy na mabibigay ko doon sa nagri-request na grabe ang sinasakripisyo para makatulong lang sa amin,” ayon kay VP Leni.

Sinabi ni Robredo na ang isa pang tagasuporta mula sa Japan kamakailan ay humiling sa kanya na magsuot ng happi, isang tradisyonal na Japanese coat na isinusuot tuwing pista. Ito ay ibinigay sa kanya ni Abby Watabe, isang tagasuporta mula sa Japan.

May be an image of 3 people, people standing and indoor

“Habang nagkakatuwaan, parang dahil mukhang karate, nagkakara-karate tayo ta’s nagamit, nagamit siya sa pangangantyaw. Pero ako kasi, hindi naman natin mapi-please ang lahat na tao all the time, meaning to say na totoo, marami kaming supporters na displeased about it,” dagdag pa ni Robredo.

Idinagdag ng presidential aspirant na ang kanyang kampanya para sa pagkapangulo ay ibang-iba sa ginagawa ng ibang kandidato.

“Iyong sa akin, kahit na nasasaktan tayo, kahit na nasa receiving end tayo ng masasama, ‘wag na tayong mag-contribute sa kasamaan,” paalala pa niya.

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH