MANILA, Philippines — Bahagi na ng kanyang legacy ang mga proyekto ng mga nakaraang administrasyon na ipinagpatuloy sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ngPalasyo.
Sa isang panayam sa Politiskoop ng Politiko, tinanong si acting presidential spokesperson Martin Andanar kung paano niya tutugunan ang alalahanin ng credit grabbing dahil ang ilang mga proyektong pang-imprastraktura ay sinimulan sa mga nakaraang administrasyon at natapos o malapit nang matapos sa ilalim ng panunungkulan ni Duterte.
“Every president naman nagkakaroon ng ganitong klaseng issue. Now, the real measure of maturity pagdating sa ating pamamahala ay ‘yung tinatawag na continuity of projects,” ayon kay Andanar.
“If you have a mature public administration system, itutuloy ‘yan ng bawat presidente. So, if we’re talking about ‘yung talagang Duterte legacy, of course, it’s part of the Duterte legacy kasi tinuloy. Mayroon tayong mga nagdaang mga presidente na for example, hindi tinuloy ‘yung mga project,” dagdag pa nito.
Ang Build, Build, Build Program ni Duterte ay naglalayong ihatid ang Golden Age of Infrastructure.
Doble ang paggasta sa imprastraktura sa ilalim ng administrasyong Duterte kumpara sa nakalipas na anim na administrasyon.
Noong nakaraang taon, nakamit ng Department of Public Works and Highways ang 29,264 kilometro ng mga kalsada; 5,950 tulay; 11,340 flood control projects; 222 evacuation centers; 133 Tatag ng Imprastraktura Para sa Kapayapaan at Seguridad projects; at 150,149 na silid-aralan.