fbpx

OWWA Chief says 923,652 OFWs Returned to Respective Home LGUs

MANILA, Philippines — Umabot na sa kabuuang 923,652 overseas Filipino workers (OFWs) ang naiuwi na mula noong magsimula ang COVID-19 pandemic noong 2020, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac.

Aniya, ang mga OFW ay nabigyan ng tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) hanggang sa makauwi sila sa kani-kanilang home local government units (LGUs).

“At the beginning of today, 923,652 na po ang napauwi natin mula sa DOLE-OWWA and the interagency effort na inatasan ng ating Pangulo [Rodrigo Duterte] na pinasisinayaan ni Sec. [Silvestre] Bello at ito ay patungkol sa food, transport and hotel quarantine accommodation ng ating mga mahal na OFWs na nanunumbalik sa kani-kanilang mga home LGUs,” ani ni Cacdac sa Laging Handa briefing.

OWWA says P7.5 billion more needed for repatriated OFWs

Samantala, inaasahan ng gobyerno na nasa 3,000 OFWs ang darating sa bansa ngayong Huwebes dahil ang limitasyon para sa araw-araw na pagdating ay itinaas sa 5,000.

Dagdag pa niya, inaasahan ng ahensya na mas maraming OFW ang babalik sa bansa sa mga susunod na araw.

Source: https://globalnation.inquirer.net/202169/owwa-chief-says-923652-ofws-returned-to-respective-home-lgus?utm_medium=Social&utm_source=Facebook#Echobox=1644478037

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH