TUBOD, Surigao del Norte — Pumalo na sa mahigit 100,000 mga bahay sa lalawigang ito ang naitalang napinsala ng bagyong Odette.
Sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, 101,949 kabahayan ang sinira ni Odette:
• Totally damaged: 37,386
• Partially damaged: 64,360
Mahigit 10 araw na mula nang humagupit ang bagyong Odette pero kulang pa rin sa pagkain at maiinom na tubig ang lalawigan.May mga tulong na dumadating sa mga lokal na pamahalaan, pero hirap din maipamahagi lalo na sa mga isla dahil limitado pa ang kanilang bangka.
May dumating naman nang mga doktor mula sa ibang probinsiya para tumulong sa paggamot. Sa huling tala, nasa 32 ang casualty count nila dahil sa bagyong Odette. Mahigit 500 pa ang nawawala at hinahanap rin.