fbpx

“Nagmamaasim”, paglalarawan ng isang analyst kay Moreno

Ang pagpapaatras kay Robredo sa kanyang kandidatura ay maituturing na ilohikal sapagkat hindi agad  makukumbinsi ang kanyang mga taga suporta na lumipat ng partido,ito ang paliwanag ng isang political analyst.

“It does not make good logic when you ask the number two (in surveys) to withdraw,” said Naval on One News’ The Chiefs. “Presumably, the number three (will benefit) but it does not go like that. Just because number two will withdraw, the votes will not completely turn to the third one.” pahayag ni Prof. Jaime Naval, isang propesor ng political science sa University of the Philippines.

Isko Moreno challenges Leni Robredo to deny asking bets to withdraw from  race

Matatandaang nanawagan si Moreno kay Robredo upang mag-withdraw sa kanyang kandidatura s aisang press conference na dinaluhan ng dalawa pa,Norberto Gonzales at senator Ping Lacson..Sinisi naman ni Ernest Ramel, chairperson ng Aksyon Demokratiko, ang media sa pagbabato ng mga tanong na maaaring nagpa-trigger sa mga kandidato.

Inilarawan din ni Naval na pawang insecure o may halong “sour grapes’ ang tono ng tatlo sa nangyaring press conference ng tatlo noong Easter Sunday.

“It was like a trio of people sour-graping over something that is fair and square, a part of the competition for votes, the rivalry for the voters,” ayon pa kay Naval.

Samantalang matagal nang nag-move on si Robredo sa isyu at hinikayat ang mga tagasuporta na magpokus na lamang sa kampanya upang masiguro ang pagkapanalo sa eleksyon.

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH