Matapos sabihin sa media na sya ay dadalo sa itinakdang mediation ng Philippine Sports Commission (PSC), tila biglang nagdalawang isip si EJ Obiena. Higit isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin pinipirmahan ni Obiena ang papeles na nagsasabing pormal syang dadalo sa nasabing mediation.
Ayon sa mga sources sa loob ng PSC, tila nagdalawang isip si Obiena matapos madiskubre ang ilang pekeng resibo na isinama ni EJ sa kanyang liquidations.
Nakakuha ang Bulatlat.Ph ng kopya ng liquidation ni Obiena na ipinasa sa Commission on Audit (COA). Lumalabas na iba ang pirma sa acknowledgement receipts mula umano sa kanyang coach na si Petrov sa aktuwal na pirma nito.
Ang mga litrato sa baba ang mga Acknowledgement Receipts umano na nagpapatunay na binayaran ni Obiena ang kanyang coach on time.
Pansinin ang mga pirma umano ni Petrov.
Nasa baba ang aktual na pirma ni Coach Vitaly Petrov:
Ayon sa mga signature experts, halata na pineke ang pirma ni Petrov sa mga naunang Acknowledgement Receipts na ipinadala ni Obiena sa COA. Anila, hindi ito papasa sa COA at siguradong maiimbestigahan si EJ.
Taliwas din ito sa pag amin ni Obiena na late nya nabayaran ang kanyang coach. Lumalabas sa mga documento na noong Nobyembre 2021 lang nabayaran ni EJ Obiena ang kanyang coach nang buo matapos ang higit dalawang taong hawak ang pera mula sa gobyerno.
Pinagpapaliwanag ngayon si Obiena anong ginawa nya sa milyon-milyong pera ng taumbayan sa loob ng dalawang taon. Ipinagpapaliwanag din bakit sya gumamit ng pekeng pirma sa Acknowledgement Receipts upang palabasin sa kanyang liquidations na buwan buwan nyang binabayaran ang kanyang coach na si Petrov.