MANILA— Iniutos ng lokal na pamahalaan ng Makati nitong Huwebes ang pagsasara ng Berjaya Hotel matapos umanong payagan ang isang Pinay na bumalik mula sa ibang bansa na laktawan ang quarantine at dumalo sa mga social gatherings.
Ito ay matapos sinuspinde ng Department of Tourism (DOT) nitong Miyerkules ang accreditation ng 3-star hotel para sa multi-use dahil sa diumano’y paglabag sa quarantine ni Gwyneth Chua.
Inamin ng hotel na umalis si Chua sa kanilang lugar 15 minuto pagkatapos mag-check in, naunang sinabi ng ahensya.
Iniutos ng Makati City Business Permits and Licensing Office (BPLO) ang pansamantalang pagsasara ng hotel matapos bawiin ng DOT ang permit nito bilang multi-use facility, sinabi ng City Hall sa isang pahayag.
Ipinunto nito na hindi maaaring mag-operate ang hotel dahil tanging ang DOT-accredited facility lamang ang pinapayagang gawin ito batay sa guidelines ng IATF.
Pinagmulta rin ang hotel ng P13,300 dahil sa paglabag sa health protocols.