Pormal nang inendorso ni Mayor Benjamin Magalong ang kanyang “dating amo,” na si Sen. Panfilo Lacson, bilang pangulo.
Sinabi ni Magalong na ang krisis na dulot ng pandemya ng COVID-19 ay mangangailangan ng isang pinuno na makakatugon sa napakalaking kakulangan sa ekonomiya na sasalot sa bansa sa mga susunod na taon.
Inihayag niya ito sa bisperas ng Philippine Military Academy homecoming ngayong taon kung saan tatanggap si Lacson ng lifetime achievement award. Maging si Magalong ay bibigyan ng parangal ng PMA Alumni Association.
Si Magalong ay sumama kay Lacson at sa kanyang running mate na si Senate President Vicente Sotto III para sa isang dayalogo sa mga negosyante sa Baguio.