MANILA, Philippines — Si Presidential aspirant Leody de Guzman at ang kanyang running mate, vice presidential aspirant na si Walden Bello ay magtatanghal ng kanilang proclamation rally sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City na pinamagatang “Manggagawa Naman sa 2022.”
Si De Guzman ay ang standard bearer ng progresibong grupong Partido Lakas ng Masa (PLM).
Makakasama sa labor bets ang kanilang senatorial hopefuls na sina labor leader Luke Espiritu, at environmentalists Roy Cabonegro at David D’ Angelo.
Ang mga nominado ng PLM partylist at ang mga lokal na kandidato nito ay naroroon din sa kaganapan.
Ayon sa advisory na inilabas noong nakaraang linggo, ilang grupo ang magsasama-sama at magmamartsa patungo sa Bantayog ng mga Bayani.
Sa Pebrero 8 ang simula ng campaign period para sa mga kandidato ng national posts, habang ang mga lokal na kandidato ay maaaring magsimula ng kanilang kampanya sa Marso 25.