fbpx

Leni Robredo and Kris Aquino Join Forces to Help Odette Survivors

MANILA – Nagsanib puwersa si presidential aspirant VP Leni Robredo at kapatid ng dating pangulong Noynoy Aquino na si Kris Aquino sa pamimigay ng tulong sa mga survivors ng bagyong Odette sa Negros Occidental.

VP Leni thanks Kris Aquino for her generosity in Negros Occidental relief  drive – Manila Bulletin

Nagdala ng mga relief goods si Aquino habang nakasuot ng pink na hoodie, na kulay rin sa pangangampanya ni VP Leni.

Ayon kay Robredo, mula 2016 ay nakaalalay na sa kanya si Aquino at patuloy itong sumusuporta sa kanya. Sa katunayan ay nangako diumano si Aquino na simula sa Enero ay lalabas ito upang tumulong sa pangangampanya ni Robredo.

Angel Locsin joins relief drive of VP Leni and Sen. Kiko for the Typhoon  Odette victims – ShowBiz Chika

Dagdag pa ni Robredo, bukod kay Aquino ay napakarami nang artista ang nag-pledge ng suporta para sa kanyang kampanya sa pagkapangulo.

Iginiit din ni VP Leni na dapat ay isantabi muna ang pulitika at unahin ang pagtulong sa ma nasalanta ng bagyo, “Alam naman natin na ‘pag panahon ng sakuna, hindi dapat tinitingnan kung ano iyong kulay ng pulitika. Dapat lahat na ang nangangailangan, tinutulungan, at lahat na puwedeng tumulong ay magkaisa.”

Ang team ni Robredo ay maiiwan sa mga lugar ng nasalanta upang mabantayan kung ano pa ang kanilang mga kailangan.

Source:Robredo, Kris Aquino join forces in Odette relief drive | ABS-CBN News

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH