MANILA, PHILIPPINES – Nagpositibo sa COVID-19 ang Pampanga 2nd District Mikey Arroyo.
Sa isang Instagram post, sinabi ni Arroyo na nagbunga ng positibong resulta ang antigen test na ginawa niya noong 7 a.m. Lunes.
“I’m asymptomatic and have gotten in touch with a doctor to take care of me. The advice is for me to isolate at home and take Molnupiravir and vitamins,” ani ni Arroyo
Sinabi ni Arroyo na nasa Pampanga siya habang nananawagan siya ng panalangin para sa kanyang paggaling.
Si Quezon City 6th District Rep. Alfred Vargas, Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo at Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante, ay lumantad para sabihin na sila ay nagpositibo sa COVID-19.