MANILA, Philippines — Habang nagpapakita ang mga celebrity sa kanilang campaign rally, sinabi ng Lacson-Sotto tandem na mananatili sila sa hindi paggamit ng pagkanta o pagsayaw para manligaw sa mga botante.
“Hindi naman kami y’ung sumasayaw na parang lumba-lumba. Hindi kami ‘yun. Intermission ‘yun eh,” Sinabi ni presidential candidate Panfilo Lacson sa kanyang lingguhang “Meet the Press” forum kasama ang kanyang running mate, ang vice presidential candidate na si Senate President Vicente Sotto III.
Ito ay matapos tanungin ang dalawang senador tungkol sa pagdalo ng kapatid ni Sotto na si Vic, at ng kanyang mga kasamahan sa “Eat Bulaga” sa ilan sa kanilang campaign sorties.
“Hindi kami. That’s what makes it different. ‘Yun, trabaho nila ‘yun. Kung gusto nilang sumuporta samin, natutuwa kami,” ani ni Sotto.
“’Wag idamay ‘yung mga tumutulong samin na ang hanapbuhay nila ‘yung pagiging artista. Iba yun. That is a completely different thing,” dagdag pa niya.