Tinapos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang tatlong araw na barnstorming sa Cagayan Valley at Cordillera regions, na tumanggap ng mainit na pagtanggap na, ayon sa kanyang kampanya, ay bumasag sa “mythical Solid North” ng pamilya Marcos.
“I don’t know if you can call that [Solid North] an urban legend, but I am happy with the people who are showing us a warm welcome,” sinabi ng Aksyon Demokratiko standard-bearer sa mga mamamahayag sa Tabuk City, ang huling bahagi ng kanyang northern expedition, na kinabibilangan ng Quirino, Isabela at Cagayan provinces sa Cagayan region.
Ang mga probinsiyang iyon ay itinuturing na bahagi ng baluarte ng Marcos clan, kung saan inaasahan ni dating Senador Ferdinand Marcos Jr. na makuha ang bulto ng mga boto sa presidential elections sa Mayo.
“In fact, as you can see here in this region, you’ll see that even though the population is small, they came together to show that we are welcome here in Kalinga,” ayon kay Domagoso.
“So, we will continue to do so wherever it is, whether it is in southern Luzon or northern Luzon,” dagdag pa nito.
Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga magsasaka ng Tabuk, ipinangako sa kanila ng kandidato sa pagkapangulo na mahigpit niyang labanan ang mga smuggler ng bigas, bawang, sibuyas at gulay.
Kung mahalal na pangulo, sinabi niya na ipapanawagan niya ang pagrepaso sa rice tariffication law, na aniya ay nagpapahintulot sa pagdagsa ng murang bigas mula sa ibang bansa na nagreresulta sa pagbaba ng presyo sa domestic at nakakapinsala sa kita ng mga magsasaka.