fbpx

Isko, Hindi Tatanggihan kung Ieendorso siya ni Pangulong Duterte

Matapos ianunsyo ng manok sa pagkapangulo ni Duterte na si Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang pagbawi sa pagtakbo para sa pinakamataas na posisyon ay nagsabi kaagad si Mani Mayor “Isko” Moreno na hindi siya tatanggi kung siya ang mapipiling kapalit na iendorso ni Duterte sa pagkapangulo.

After months of tension, Isko wants Duterte in his Senate slate |  Philstar.com

Dagdag pa ni Moreno nang siya ay tanungin sa posibilidad na siya ay iendorso ni Duterte, “Di ako tatanggi. Ang pulubi di makakapamili. Kailangan ko lahat ng klaseng tulong, ordinaryong tao, kahit sinong tao, kasi mabigat na laban ito. Malaki ang Pilipinas.”

Ang rason naman diumano ni Go sa pagbawi ng kandidatura ay ayaw na niyang maging dagdag sa problema nito sapagkat ito ay matanda na.

Isko Moreno 'hopeful' of getting Duterte's backing as Bong Go withdraws |  Inquirer News

Matatandaang nagkaroon ng alitan sila Moreno at Duterte kamakailan lamang na kung saan ay nagpasaring pa si Duterte na mayroon daw isang kumakandidato sa pagkapangulo na dating “porn star.” Wala man itong binanggit na pangalan ay nagsilabasan naman ang mga lumang litrato ni Moreno noong siya ay nagaartista pa lamang na tila wala nang saplot sa katawan.

Read more: news.abs-cbn.com/news/11/30/21/isko-says-wont-refuse-duterte-endorsement-after-bong-go-drops-out

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH