MANILA, PHILIPPINES – Isang baby boy ang inaasahan ng celebrity couple na sina Slater Young at Kryz Uy.
Ang mag-asawa ang nag-anunsyo sa kanilang pinakabagong vlog, na na-upload noong Enero 12.
Sina Uy at Young ay nakatakdang salubungin ang kanilang pangalawang anak sa darating na Hunyo.
Ikinasal sila sa isang garden ceremony sa Cebu City noong Pebrero 2020 at sinalubong ang kanilang panganay na si Scottie noong Hunyo 2, 2020.
Nauna nang inamin ni Uy na ang panganganak ay marahil ang pinakamahirap na bagay na nagawa niya pero ito rin ang pinaka maganda, rewarding, at isang life-changing experience.