MANILA, Philippines — Sinuportahan at kinampanya ng anak ng diktador at dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Jinggoy Estrada na anak naman ng dating presidente na nabilanggo dahil sa kaso ng pandarambong na si Joseph “Erap” Estrada.
Sa kanyang talumpati sa Lucena City, Quezon, sinabi ni Marcos na nakatrabaho niya si Estrada at pinagmalaki pa ang mga nagawa nito bilang isang mambabatas.
Nagpasaring pa si Marcos na diumano ay tinarget lamang ng mga Aquino si Estrada dahil sa isinampa nitong kaso ng graft at pandarambong dahil sa diumano ay pagbubulsa ni Estrada ng P183 milyon mula sa kanyang pork barrel.
Nakalaya lamang si Estrada mula sa kasong ito dahil sa pagbabayad ng piyansang nagkakahalaga ng P1 milyon noong 2017.
Read more: Marcos campaigns for Jinggoy Estrada as senator in 2022 | Inquirer News