Ayon sa isang opisyal ng San Beda University kung saan nagtapos si Pangulong Duterte, ang kumakandidato sa pagkapangulo na si bise presidente Leni Robredo ang may tunay katangian ng lider na nagsisilbi para sa masa. Ito aniya ang hinahanap-hanap ng mga Pilipino na ugali ng magiging sunod na presidente.
Kinokonsidera mang high-profile alumni ng paaralan si Duterte, hayagan naman nitong inanunsyo na ang kanilang presidential bid para sa darating na halalan ay ang lider ng oposisyon na si VP Leni.
Pinailawan din ng unibersidad ang kanilang building ng kulay pink na sumisimbolo ng kanilang pagsuporta kay Robredo.
“The San Beda Community is ONE in support of VP Leni’s presidential bid, believing that she embodies the Benedictine ideals of pax, ora et labora (peace, pray and work) and the genuine servant-leadership qualities that the Filipino nation is yearning for especially during this troubled time,” ani ni San Beda vice president for administration Fr. Aelred Nilo sa kanilang student publication na The Bedan.
Bukod sa San Beda University, nagpailaw din ng kulay pink ang Adamson University, Universidad de Sta. Isabel and Ateneo de Naga University bilang tanda ng pagsuporta sa bise presidente.
Mayroon ding mga grupo na taga-suporta ang naglunsad ng Pink Parol Project bilang suporta kay Robredo at tulong na rin sa mga gumagawa ng parol.
Ito ay alinsunod na rin sa panawagan ni VP Leni na bukod sa pagsusuot ng kulay pink ay maari din nilang ipakita ang kanilang suporta sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.
Read more: Duterte’s Alma Mater San Beda Backs Robredo | OneNews.PH