MAYNILA, PHILIPPINES — Na-detect ng Pilipinas ang ikaapat na kaso nito ng mas nakahahawang omicron variant. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakita ang variant sa isang 38 anyos na babae na dumating sa Pilipinas galing Amerika noong Disyembre 10.
Sumailalim siya sa quarantine pagkadating pero matapos ang 3 araw ay nagkaroon ng pangangati ng lalamunan at sipon.
Unang na-detect sa South Africa ang bagong variant of concern na omicron, na sinasabing 10 beses na mas nakakahawa kompara sa orihinal na variant ng COVID-19.Na-detect ang bagong variant case sa gitna ng pangambang muling sumipa ang mga kaso ng COVID-19 dahil sa nakitang pagtaas sa positivity at reproduction rate.
Noong Linggo, sinabi ng OCTA Research Group na tumaas ang reproduction rate ng COVID-19, partikular sa National Capital Region (NCR).Nasa 0.70 ang reproduction rate sa NCR noong Disyembre 22, mas mataas sa 0.42 noong Disyembre 15.Ang naturang rate ang average na bilang ng mga taong maaaring mahawahan ng isang positibong kaso ng sakit.
Iniulat din ng DOH noong Linggo na tumaas sa 2 porsiyento ang positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo sa tine-test sa COVID-19.Pasok pa rin naman ito sa benchmark ng World Health Organization na 5 porsiyento para masabing kontrolado pa ang COVID-19 situation. (BOLD) Minimal risk pa rin
Nabanggit din ngayong Lunes ni Vergeire na tumaas nang 49 porsiyento ang average COVID-19 cases sa NCR noong Disyembre 20 hanggang 26 kompara sa linggong sinundan nito.
Pero sa ngayon, “minimal risk” pa rin sa COVID-19 ang Pilipinas, ani Vergeire.
Ayon naman sa University of the Philippines (UP) Pandemic Response Team, hindi pa tiyak sa ngayon kung magkakaroon ng surge o magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.