MANILA – Itinanggi ng Commission on Elections ang mga akusasyon na pinasok nila ang pribadong ari-arian nang walang pahintulot na tanggalin ang mga umano’y labag sa batas na campaign materials.
Sinisiraan ang poll body nitong mga nakaraang araw matapos nilang ibaba ang umano’y malalaking campaign materials sa pribadong ari-arian.
“We do not go invade spaces, we do not go invade private residences, for the purpose of enforcing our rules. We always ask for permission,” ayon kay Jimenez.
Tinugunan din ni Jimenez ang mga alalahanin tungkol sa presensya ng mga pulis sa panahon ng “Oplan Baklas” operations ng Comelec.
“I certainly did not see any evidence of people being addressed by these armed persons, they were being addressed by Comelec personnel. And armed persons going around sorties of Comelec is pretty standard protective behavior, right?” aniya.
Pinuna ng mga abogado ang mga aksyon ng Comelec, binanggit na maaaring labag sa batas ang pagtanggal ng campaign materials sa pribadong pag-aari.
Sinabi ni University of the Philippines Constitutional Law Professor Dante Gatmaytan na ang kalayaan sa pagsasalita ng mga mamamayan ay higit pa sa mga katwiran ng Comelec.
Nabanggit din ni Gatmaytan na ang hakbang ng Comelec ay tila naghihigpit sa political speech sa oras ng halalan.