fbpx

Cherry Pie Picache, Rica Peralejo, fellow celebs express support for Leila de Lima in her 5th year in jail


Nagpahayag ng suporta sina Cherry Pie Picache, Rica Peralejo at iba pang celebrities kay Sen. Leila de Lima na nasa ikalimang taon na sa pagkakakulong.

Sina Picache, Peralejo at kapwa aktres na si Precious Lara Quigaman, kasama ang social media influencer na si Pipay at talent manager na si Ogie Diaz, ay hinimok ang senador na lumaban at manatiling umaasa, ayon sa inilabas press release mula sa opisina ni De Lima.

Kinapanayam sila sa campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan noong Feb. 25 sa Iloilo, na may crowd na humigit-kumulang 30,000 katao. Si De Lima ay bahagi ng Senate slate ni Robredo.

“Senator Leila, I just want to thank you po for enduring this time. Malapit na malapit na po nating makamit yung matagal na nating hinihintay na hustisya,” ayon kay Peralejo.

Nagpasalamat din siya kay De Lima sa pagtitiis kahit na ito ay napaka-unfair para sa kanya.

Sa kanyang bahagi, hinimok ni Quigaman si De Lima na patuloy na gawin ang tama at huwag mawalan ng pag-asa.

Samantala, sinabi ni Pipay na naniniwala siya na inosente si De Lima at umaasa siyang makakaharap sa senador sa lalong madaling panahon.

Ipinahayag din nina Diaz at Picache ang kanilang suporta kay De Lima sa pamamagitan ng pag-pose na nakataas ang kanilang mga kamay para sa D5 hand sign.

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH