fbpx

Bongbong Marcos,sangkot sa Pork Barrel scam

Iniutos ng ilang senador na ilabas ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang mga pondo mula sa pork barrel scam at ipamahagi sa mga Non Government Organization o NGO.

Ayon sa ilang senador, wala silang kakayahan upang ipatupad ang mga proyektong nasasaklaw ng kanilang pork barrel tulad na lamang ng pagpili ng NGO na makikinabang dito.

Isinalaysay ni Tan kung paanong ipinamahagi ng tatlong senador na sina senator Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon Revilla Jr, ang parte ng kanilang pork barrel sa mga NGO na hawak ni Janet Lim Napoles,ang mastermind ng pork barrel scam.

Matatandaang nakalikom si Napoles ng may 10 bilyong halaga sa pamamagitan ng mga bogus na NGO sa loob ng sampung taon.

Inamin naman nina senators Enrile at Revilla ang kanilang signatura sa PDAF releases para sa mga nasabing NGO habang hindi naman ito kinumpirma ni Estrada.

Tinukoy naman ni Tan ang mga ahensyang nagpahintulot na ibigay ng mga senador ang kanilang pondo mula sa pork barrel.Ito ay ang National Livelihood Development Center (NLDC), Technology Resource Center (TRC), National Agribusiness Corp. (Nabcor) at Zamboanga del Norte College Rubber Estates Corp.

Habang ang walong bogus na NGO na hawak ni Napoles ay ang Agri and Economic Program for Farmers Foundation Inc., Agrikultura para sa Magbubukid Foundation Inc., Countrywide Agri and Rural Economic Development Foundation Inc. or CARED, Magsasakang Ani para sa Magsasaka Foundation Inc., People’s Organization for Progress and Development Foundation Inc., Philippine Agri and Social Economic Development Foundation Inc., Philippine Social Development Foundation Inc. at Social Development Program for Farmers Foundations Inc. (SDPFFI).

Iginiit ni Tan na walang batas na nagpapahintulot na i-transfer ang PDAF funds patungong NGO para sa isang proyekto.

Ayon sa COA si Revilla ang may pinakamalaking ambag sa scam na nagkakahalaga ng 483.9 milyong piso habang sina Enrile  at Estrada  naman ay may 332.7 milyon at 262.75 milyon.

Habang si senator Gringo Honasan ay may 14.55 milyon piso. Samantalang si senator Bongbong Marcos na ngayon ay frontrunner sa pagka-pangulo ay mayroong 100 milyon piso sangkot sa scam.

Patuloy namang itinatanggi ng apat na senador ang partisipasyon sa matagal nang usapin tungkol sa pork barrel scam.

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH