MANILA, Philippines — Ang dating Manila City Jail warden na si Gerald Bantag ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang director-general ng Bureau of Corrections, kinumpirma ng Palasyo.
Ipinaliwanag ni Andanar na bago ang appointment ni Bantag, siya ay nasa secondment lamang mula sa Bureau of Jail Management and Penology.
“Prior to Mr. Bantag’s recent appointment as Director-General of the BuCor, he was only on secondment from the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) to the BuCor,” ani nito.
“He was previously designated as Director-General, but he kept his item/position with the BJMP. Now Mr. Bantag has been appointed directly as the Director-General of BuCor, with a tour of duty not exceeding 6 years,” dagdag pa niya.
Si Bantag, dating Manila City Jail warden, ay pinangalanan bilang bagong hepe ng BuCor, kapalit ni Nicanor Faeldon noong 2019.
Si Faeldon ay sinibak ni Duterte dahil sa kabiguan na sumunod sa utos ng huli na itigil ang pagpapalaya sa mga heinous crime convicts.
Samantala, ang abogadong si Jay de Castro ang itinalaga bilang deputy director general ng BuCor, kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra.