Darating sa susunod na buwan ang unang batch ng mga COVID-19 vaccine ng Pfizer, na nakalaan para sa pagbabakuna sa mga may edad 5 hanggang 11.
Ayon kay Galvez, sa 20 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno para sa susunod na taon, 15 milyon ang nakalaan para sa naturang age group.
Pinaalalahanan naman ng Department of Health ang mga lokal na pamahalaan na hintayin muna ang guidelines kaugnay sa pagbabakuna sa mga edad 5 hanggang 11, pati ang petsa kung kailan ito puwedeng simulan. Inaprubahan noong nakaraang linggo ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbibigay ng Pfizer vaccines sa naturang age group.
Sa huling tala, 47.1 milyon na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Pilipinas. 6 milyon pa ang kulang para maabot ang target ng gobyerno na ma-fully vaccinate ang 54 milyon ng populasyon bago matapos ang 2021.