fbpx

Mga Atleta, Coaches, Nagpahayag ng Suporta sa PATAFA. “Wag Pasikatin ang Kasinungalingan”

Manila, Philippines – Sinuportahan ng mga Atleta kasama ng mga national coaches si Philippine Athletics Track and Field Association President Philip Ella Juico laban kay EJ Obiena.

Sa open letters na inilabas noong January 3, 2022. Nasa 26 na atleta at 11 national coaches ang nanindigan para magbigay suporta kay Juico pati na sa PATAFA board na pinuputakti ngayon ng kaliwa’t kanang aligasyon.

“Maraming nangyari, maraming sinabi. Pinili naming manahimik. Ngunit sa aming pananahimik tila mas sumikat ang kasinungalingan kaysa katotohanan. Kaya ngayon, magsalita na kaming atleta ng bayan,” paunang salita ng mga atleta sa nasabing manifesto.

“Ang totoo ay lahat kaming mga atleta ay binibigyan ng financial support mula sa buwis ng taumbayan. Kapalit nito ay ang responsibilidad na ginamit naming ito ng tama sa pamamagitan ng liquidation. Ang maayos at mabilis na pag-liquidate ay isang simpleng paraan para maipakita namin ang pasasalamat sa taumbayan.” dagdag pa nila.

Sa naganap na press conference, kinumpirma ni middle distance runner Mico del Prado ang nasabing manifesto na pirmado ng mga atleta.

“Yes, we liquidate, that’s true. We are buying our own spike shoes and PATAFA gives us money and we liquidate that. This will not hinder us from training. We just need proper time and management,” Saad ni del Prado

Kasama ni Del Pradong pumirma sa nasabing Manifesto sina; Edgardo Alejan Jr., Clinton Baustista, Bejoy Bernalyn, Melvin Calano, Daniela Daynata, Sarah Dequinan Harry Diones, Melissa Escoton, Edwin Giron, Junel Gobotia, Josefa Ligmayo, Anfernee Lopena, Jessel Lumapas, Ronnie Malipay, John Albert Mantua, Mariano Masano, Eloisa Medina, Francis Medina Jelly Paragile, Frederick Ramirez, Richard Salano, Joyme Sequita, Aries Toledo, Janry Ubas and Jerald Zabala.

“Sinusuportahan namin ang transparency ng PATAFA sa pamumuno ni Chairman Rufus Rodriguez, President Popoy Juico at ng buong Board of Trustees. Sinusuportahan namin ang imbestigasyon kung paano ginamit ang pera dahil responsibilidad nating alagaan ang buwis ng bawat Pilipino.” Saad nila sa huling bahagi ng manifesto.

Katulad ng mga atleta nag pahayag rin’ ng buong pusong suporta ang mga national coaches

“Like our athletes, we should also abide by PATAFA rules, especially when it concerns liquidation. Because like parents, the association looks after and takes care of us. Our responsibility is to help our athletes not only during training but also help them liquidate since we are dealing with public funds,” 

Kasamang pumirma sa nasabing manifesto sina Eduardo Buenavista, Jeoffrey Chua, Dario de Rosas, Joebert Delicano, John Philip Duenas, Arniel Ferrera, Danilo Fresnido, Sean Guevarra, John Lozada and Julius Nierras.

Written by
Bulatlat 2
View all articles
Written by Bulatlat 2