MANILA – Inaprubahan na ng Food and Drug Administration ang paggamit ng Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga batang edad 5 pataas.
“Nakita naman po talaga natin na it is reasonable to believe that the vaccine may be effective to prevent COVID-19 and the benefits of the vaccination outweigh the known potential risks,” ani ni FDA Director General Eric Domingo sa isang virtual public briefing.
Pinaplano ng gobyernong simulan ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 pataas ngunit nakadepende pa ito sa darating na mga supply na bakuna at kung may mga naitabi para sa mga bata.
Ayon sa FDA ay dapat makakuha ng hiwalay na supply ng bakuna para sa mga bata dahil mas mababang dosage ang ibibigay sa kanila kumpara sa mga matatanda.
Sa kasalukuyan ay 46.38 million na Pilipino na ang fully vaccinated at 56.72 million ang nakatanggap na ng unang dose ng kanilang bakuna.
Read more:FDA approves Pfizer COVID jab for kids age 5 and above | ABS-CBN News