MANILA,PHILIPPINES—Nagsalita ang kampo ni presidential aspirant VP Leni Robredo sa pagtanggal ng mga posters at tarpaulins na sumusuporta sa kandidatura ng bise president.
Ayon sa Office of the Vice President, nakatanggap ito ng mga report mula sa mga supporters ni VP Leni sa Zamboanga na may nagtanggal ng posters, tarpaulins, at pink na ribbon na kanilang nilagay sa mga private properties.
Maging ang mga taga-suporta ng bise presidente sa Masbate City ay nagreklamo rin dahil sa pagtanggal ng mga gamit sa pangangampanya ni VP Leni sa bisperas ng kanyang pagdalaw sa lungsod.
“Isa itong paglabag sa karapatan ng lahat ng Pilipino na malayang ipahayag ang suporta nila sa isang kandidato at hindi dapat ginagawa ninuman, lalo na sa isang demokratikong bansa tulad ng Pilipinas,” ani ni Barry Gutierrez, na spokesman ni Robredo.
Dagdag pa niya ay ang mga taga-suporta mismo ni VP Leni ang gumawa at nagbayad para rito.
“Sa mga gumagawa nito, ganito na ba talaga sila katakot, na pati posters ni VP Leni na kinabit ng ating mga volunteers kailangang tanggalin?” sabi pa ni Gutierrez.
Read more:‘Ganito ba sila katakot?’ Robredo camp hits takedown of poll materials | ABS-CBN News