fbpx

Pilipinas, nanguna sa pangungutang ngunit panghuli sa pagresponde sa pandemya

Inanunsyo ng World Bank na Pilipinas ang may pinakamalaking halaga na inutang para sa taong 2021. May kabuuang $3.07 bilyon na hiniram ang bansa para diumano ay gamitin sa pagsugpo ng pandemya. Ito rin sana ay nakalaang gamitin upang buhayin muli ang local na ekonomiya ng bansa.

World Bank OKs $600 million loan for Philippines | Philstar.com

Kung ikukumpara ay noong taong 2020, $1.87 bilyon lamang ang kabuuang halagang inutang ng bansa sa International Bank for Reconstruction and Development. 

Ayon pa sa taunang report ng World Bank ngayong 2021, ang Pilipinas ang may pinakamalaking output gap sa 8.4% sa rehiyon noong 2020. Ang output gap ang nagpapakita ng pagkakaiba ng lagay ng ekonomiya noong bago magkaroon ng pandemya kumpara sa ngayon na mayroon nang pandemya.

Coronavirus: Philippines could face India-like surge, doctor warns, as  infections pass 1 million | Nestia

Ngunit kahit na ang Pilipinas ang may pinakamalaking inutang para masugpo ang pandemya, lumalabas sa pinakabagong Nikkei COVID-19 Recovery Index na ang Pilipinas ay ang pinakahuli sa pagkilos at pagresponde laban sa virus.

Sa 121 na bansa, Pilipinas ang may pinakamababang puntos na nakuha. Ilan sa mga naging basehan ay ang bilang ng mga kumpirmadong kaso, pagpapamahagi ng bakuna, dami ng mga nabakunahan na, at estado ng mga flights sa bansa.

Hindi ito ang unang pagkakataon na hinirang na kulelat ang bansa sa pagsugpo sa COVID-19. Noong nakaraang buwan ay nagsagawa ang Bloomberg ng pag-aaral ukol sa kakayahang ng ekonomiya ng 53 na bansa na magpatuloy kahit na may pandemya at ang Pilipinas ang nasa pinakamababang pwesto. Noong isang taon ay nasa ika-52 na pwesto ang bansa.

Read more: PH top borrower of COVID loans but ranks last in pandemic response? – NOLISOLI

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH