MANILA, Philippines — Isang grupo ang naghain ng petisyon sa COMELEC para idiskwalipika ang kandidatura ni dating senador at anak ng diktador na si Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr.para sa darating na halalan 2022.
Kagaya ng mga naunang petisyon, isinasaad nito na hindi karapat-dapat payagang tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno si Marcos dahil siya ay hindi nag-file ng kanyang income tax returns noong taong 1995 pa.
Ang mga pumirma sa petisyon ay sina Akbayan First Nominee Perci Cendaña, dating Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales, ang abogadong si Byron Bocar mula sa Institute for Political and Electoral Reforms, Akbayan Youth Chairperson Dr. RJ Naguit, Tition Lao-Manalo at Doris Nuval ng Claimants 1081, Jean Enriquez ng Coalition Against Trafficking in Women, at si Nice Coronacion ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa.
Ito na ang panglimang disqualification case na inihain sa COMELEC laban kay Marcos. Ang naunang dalawang kaso ay naglayong makansela ang kanyang certificate of candidacy, ang isa ay para siya maideklara na nuisance candidate, at ang isa naman ay para madiskwalipika siya sa halalan 2022.
Read more: Another disqualification petition filed against Bongbong Marcos | Inquirer News