fbpx

Robredo says 2022 Polls may be ‘Reset Button’ for Local Politics

MANILA, Philippines — Sa kanyang talumpati sa mga labor representatives na sumusuporta sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo, sinabi ni bise president Leni Robredo na ang eleksyon sa darating na 2022 ay maituturing na “reset button” para sa pulitika ng ating bansa na kung saan ay matagal nang pinamumunuan ng mga oligarkiyang pamilya at political dysnasties.

May polls a reset button for Pinoys – Robredo | Philstar.com

Dagdag pa ni Robredo, importante ang magiging papel ng darating na halalan sapagkat maaari nitong mawakasan ang plano ng mga malalaking grupong pampulitika na may kahina-hinalang plano para sa bansa. Kamakailan lamang ay napabalita na bumuo ng alyansa ang partidong pulitikal ng mga dating presidente na sina Fidel Ramos, Joseph Estrada, and Gloria Macapagal Arroyo.

Ani ni Robredo, “This (the elections) is a chance to press the reset button: if we defeat them, we can usher in a new kind of politics where everyone has a chance to participate in governance.”

Trustworthy government needed to boost economy – Robredo | Philstar.com

Parte ito ng plano ni VP Leni na bumuo ng “people’s movement” kung saan may boses ang ordinaryong mamamayan sa kanyang kampanya at mga plataporma. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit niya napili an glider ng mga manggagawa na si Sonny Matula para maging parte ng kanyang senatorial slate. 

Mayroon pang 10 na grupo ng mga manggagawa ang pumirma ng kasunduan na susuporta sa kandidatura ni VP Leni sa pagkapangulo kapalit ng pagkakaroon ng mga plano para sa mga manggagawa kapag siya ay nanalo sa darating na eleksyon.

Read More:

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH