Maraming mga tagabaryo ang lumikas sa mas ligtas na lugar kasunod ng matinding bakbakan sa pagitan ng tauhan ng gobyerno at grupo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Carabalan, Himamaylan City, noong Biyernes ng umaga, Hulyo 7.
Kinansela naman ang mga klase sa lahat ng antas sa Carabalan dahil sa patuloy na bakbakan.
Ang mabangis na engkwentro ay nakapagpapaalaala sa isang linggong labanan noong nakaraang taon, sa buwan ng Oktubre na nagsimula sa parehong nayon, pagkatapos ay kumalat sa mga katabing nayon at nagpaalis sa humigit kumulang 3,000 na pamilya.