MANILA, Philippines — Pinuri ni dating Senador Joseph Victor “JV” Ejercito ang political will ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong ng infrastructure development sa nakalipas na limang taon.
“We may not agree with him all the time. A lot of people do not agree with his style, personality, and character. But it’s very obvious regarding infrastructure development, I really commend his political will to do it,” sinabi ni Ejercito sa panayam ng DYRF Radio Fuerza.
“Buti nalang, noong 2016, dumating si Presidente. He prioritized Build, Build, Build. I volunteered to defend the projects,” dagdag pa nito.
Ang programang “Build, Build, Build” ay ang pangunahing programa sa pagpapaunlad ng imprastraktura ng kasalukuyang administrasyon.
May kabuuang 212 airport projects, 446 seaport projects, 10,376 flood mitigation structures, 26,494 kilometers ng kalsada, at 5,555 tulay ang natapos sa ilalim ng programa, ayon sa iba’t ibang Cabinet secretaries sa isang briefing na ginanap noong Hunyo 18, 2021.
Kasalukuyang ginagawa ang 102 airport projects, 117 seaport projects, 1,090.30 kilometers ng railway, 2,587 flood mitigation structures, 2,515 kilometers ng kalsada, at 1,020 tulay.
Sa kabila ng mga tagumpay na ito, gayunpaman, sinabi ni Ejercito na ang bansa ay nangangailangan ng pangmatagalang komprehensibong plano sa imprastraktura upang matiyak na magpapatuloy ang pagtatayo ng mga pangunahing proyektong pang-imprastraktura, anuman ang nakaupong administrasyon.
“We have become so weak compared to our Asean neighbors. Lahat po sila have really invested heavily in infrastructure. Malaysia, Indonesia, Thailand, even Vietnam. Na overtake na tayo ng Vietnam in terms of foreign direct investments due to poor infrastructure in our country,” ani pa ni Ejercito.
Bukod sa paggawa ng isang komprehensibong master plan ng imprastraktura, ang dating Senador kamakailan ay nangakong susuportahan ang pagtatayo ng PNR South Rail Line, Mindanao Railway System, PNR North Long Haul, at North-South Commuter Railway.