MANILA, Philippines — Sinabi ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., mas gugustuhin niyang mangampanya sa ground kaysa maulit ang parehong bagay sa mga debate.
Sinabi ni Marcos Jr., na binatikos sa paglaktaw sa ilang debate sa pampanguluhan, kung may paraan para maging produktibo at nakabubuo ang debate kung saan maaaring magsalita ang mga kandidato tungkol sa patakaran at makipagtalo, ay dadalo siya.
“So if there is a way the debate is actually productive, constructive—that we can talk about policy, we can argue, we can debate as a proper debate, then fine. I would go,” sinabi ni Marcos Jr. sa Kapihan sa Manila Bay forum.
“But if you’re going to repeat and repeat the same thing, I’d rather campaign,” dagdag nito.
Kabilang sa mga kontrobersiya na kinakaharap ni Marcos Jr. sa kanyang kandidatura ay ang kasaysayan kasama ang kanyang ama, ang yumaong pangulo, at diktador na si Ferdinand Marcos Sr. na binatikos sa mga isyu ng katiwalian at paglabag sa karapatang pantao sa kanyang termino.
“I’ve been answering these questions for 35 years why do I have to answer them again and nothing’s going to change their opinion. My opinion isn’t going to change,” ani ni Marcos Jr.
Nauna nang binatikos si Marcos Jr. sa pagtanggi sa ilang major presidential debates at forums na dinaluhan ng kanyang mga kapwa kandidato sa pagkapangulo.
Ang unang pagtanggi ni Marcos Jr. ay ang panayam sa beteranong mamamahayag na si Jessica Soho, na tinawag niyang “biased.” Marcos also skipped the presidential forum organized by the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), citing conflict with schedule.