MANILA, Philippines — Sinabi ni Vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Sabado na hindi siya dadalo sa mga debate sa halalan.
Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Duterte-Carpio na nagpasya na siyang magpatuloy sa kanyang kampanya nang hindi nakikisali sa mga debate.
“We already released a statement about the debates. I have already decided that I will do this campaign without joining debates. Iniiwan ko nas po ‘yan sa lahat ng ating kababayan ang pagdedesisyon sa pagpili nila sa vice president na ganito po ang aking direksyon sa kampanya,” ayon kay Duterte-Carpio.
Ginawa ito ni Duterte-Carpio nang tanungin kung mayroon na siyang pinal na desisyon sa kanyang pagdalo sa mga vice presidential debate ng Commission on Elections noong Marso 20.
Nang tanungin kung hindi na siya dadalo sa mga debate, sinabi niya: “Oo, opo.”
“Well, kung magbago man o hindi (if I will change my mind), we will let you know, but as of this very moment that decision is to conduct this campaign without joining debates,” dagdag pa nito.