fbpx

Pacquiao says Master Plan Needed to Ensure Food Security

Sinabi ng kandidato sa pagkapangulo na si Sen. Manny Pacquiao na plano niyang magbalangkas ng mga pangmatagalan at napapanatiling programa upang matiyak ang seguridad sa pagkain at palakasin ang sektor ng agrikultura at pangisdaan ng bansa.

Pacquiao: Master plan needed to ensure food security | ABS-CBN News

Sinabi ni Pacquiao na dapat magsikap ang bansa na maging self-reliant at bawasan ang pag-asa sa mga imported agricultural products sa pamamagitan ng pagtutok sa produksyon, distribusyon, at pagkonsumo o kung ano ang kanyang inilarawan bilang “PDC.”

Aniya, ang importasyon ay nakikinabang lamang sa ibang bansa, importer, at maging sa mga smuggler sa kapinsalaan ng mga Pilipinong magsasaka at mangingisda.

“Against ako sa importation tulad ng mga gulay at isda dahil kaya naman nating mag-produce. Dati nga tayo ang nag-e-export kaya alam kong kaya nating magawa ito at makamit nating magkaroon tayo ng food security,” ayon kay Pacquiao.

Muli niyang iginiit na ang pagkakaroon ng master plan para sa food security ay makatitiyak na ang mga Pilipino ay hindi lamang food-secure kundi maging economically stable.

Ang People’s Champ ay umiikot sa Pangasinan upang magpatuloy sa kanyang kampanya at magsagawa ng mga diyalogo sa mga pangunahing bayan at lungsod tulad ng Binmaley, Lingayen, at mga lungsod ng Dagupan, San Carlos, at Urdaneta

Sinabi ni Pacquiao na nagulat siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pangasinense. Aniya, ipinakita nito na tinatamasa rin niya ang suporta sa tinatawag na “Solid North.”

“Akala ko sabi nila Solid North, iyon pala ‘Solid MP (Manny Pacquiao)’,” ayon pa kkay Pacquiao.

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH