Matapos ang ilang buwang urong-sulong sa mediation para sana ayusin ang gusot niya sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), tila kailangan nang kausapin ng Pole Vaulter EJ Obiena. Ito ay dahil kailangan pala nya ng endorsement ng PATAFA upang makapaglaro sya sa mga events ng World Athletics.
Ang problema ni Obiena, hindi sya papayagan ng World Athletics na dumalo kung hindi sya bibigyan ng endorsement ng PATAFA. Matatandaan na mismong World Athletics ang nagsabi na PATAFA lamang ang nirerecognize nilang opisyal na pederasdyon sa Pilipinas. Kasunod nito, inapirma nila na tama ang prosesong ginawa ng PATAFA sa imbestigasyon nito kay EJ Obiena.
Matatandaan na ilang beses minaliit ng mga kasamahan ni Obiena ang PATAFA matapos itong magsagawa ng imbestigasyon sa mga kwestiyunableng mga resibo at dokumento na ipinasa ni Obiena para sa kanyang liquidation of funds.
Kasunod pa nito, ilang beses nagsabi na sila ay aattend ng mediation ngunit last minute ay magba-backout.
Hiling ni Obiena
Kamakailan ay nakatanggap ng sulat ang PATAFA mula mismo kay EJ Obiena. Sa sulat, sinabi ni Obiena na intensiyon nya na sumali sa apat na events:
1. 2022 World Indoor Athletics Championship sa Belgrade, Serbia na gaganapin sa March 18-20, 2022;
2. 31st South East Asian Games sa Hanoi, Vietnam na gaganapin sa May 12-23, 2022;
3. 2022 World Athletics Championship sa Eugene Oregon na gaganapin sa July 15-24, 2022;
4. 2022 Asian Games sa Hangzhou, China na gaganapin sa September 12-25, 2022.
Sagot ng PATAFA
Ayon naman sa PATAFA, hindi pa sila maaaring mag bigay ng kahit anong endorsement sapagkat hindi pa tapos ang mediation na pinagkasunduan sa Senado katuwang ang Philippine Sports Commission (PSC). Matatandaan na matagal na sanang tapos ang sigalot na ito kung dumalo lamang si Obiena sa naunang dalawang mediation na inorganisa ng PSC.
Ngunit nagsabi din naman ng PATAFA na alam nila na urgent ang request ni Obiena na ito dahil malapit na ang 2022 World Indoor Athletics Championship sa Belgrade, Serbia na gaganapin sa March 18-20, 2022. Kaya naman, nangako ang PATAFA na sila ay buo na makikipagtulungan sa PSC upang matapos na ang mediation at mapagusapan na ang kinakailangan na endorsement.
Magkakabati na ba si Obiena at PATAFA?
Abangan.