MANILA — Ginamit ni Vice President Leni Robredo ang rosas bilang simbolo ng kanyang kampanya sa pagkapangulo.
Ang rosas ang simbolo ng aming kampanya dahil sa ating bansa, ang rosas din ay kumakatawan sa pag-ibig, pag-asa, at mas magandang buhay, ani Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo.
“Ito ang angkop na tatak na sumasalamin sa sentro ng ating laban – ang puso ng bawat Pilipino na nagbibigay buhay sa ating People’s Campaign. Ang katagang ‘Rosas ang kulay ng bukas’ ay ang pangarap na bitbit ng ating pangakong ‘Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat’,” dagdag pa niya.
Nauna nang sinabi ni Robredo na sisimulan niya ang kanyang kampanya sa pagkapangulo sa pamamagitan ng paglilibot sa maraming lugar hangga’t maaari sa kanyang sariling lalawigan ng Camarines Sur.
“Kung big rally sobrang inconvenient pa sa mga tao na pupunta sila. So, ito kami ‘yung pupunta,” ani ni VP Leni.
Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/07/22/rose-is-robredos-presidential-campaign-symbol